- Xyclone Sama-Sama 歌詞
- Xyclone
- sama-sama tayo, kapit bisig sa pagsulong
sama-sama tayo, abante wag uurong simulan na sa isang pampagana lakasan ang bagsakan pagpupugay ng husto ang alay ko sa larangan nabubuhay ang dugo ng pinanday sa lansangan (sino ba to??) Xyclone! tandaan ang pangalan ilang pahaging tiniis ko ang hapdi at sakit isang patpating liriko na tinakwil ang bait ako'y gutom sa pagkakataong makapaghayag anyong lulong at nababaon sa paglalayag aking sagisag, bandila, saan ang patutunguhan aking diwa at dila ang sandata na tutulungan sinumang may kagustuhan, inulan man sa umpukan wala ka patutunguhan, kung wala kang nasusubukan kaya, ipunin ang katangunan, sa kalaunan nasa utak mo lang ang kasagutan sa lalamunan ay naglulan, nagtalunan na sa unang pagbitaw ang sigaw sa katapangan ang tanging mapagkukunan ay ikaw ihakbang mo lang ang kanan pagkatapos kaliwa ulit ulitin mo kahit na magkasaliwa maniwa lang hindi pa ito ang katapusan naiba ang paikot ngunit ang hahantungan mag-isa ang tingin mo sa iyong paglalakbay ng tignan ang buhangin naipon sa iyong kamay ang iba na naghahangin ayaw magpasabay halika kahit na parehas tayong may saklay ang pilay ay di dapat tumitigil sa pag-usad mamigay ng pag-asa kahit malas ang bumungad pagtibay in ang tapang malayo man sa hinagap mag-ingay alang-alang sa tulad mong may pangarap mangisay man sa takot ay wag kang magpapapigil sakin ay nakabalot ang sagarang panggigigil makilala'y hindi ko hinahabol ang sa akin pagtibayin pa natin at lalo pang pagyamanin ang kultura hindi nyo siguro inakalang pwede pala na pagsabayin magkaiba man ating tunog ang ating kultura'y iisa pa rin napakasarap namang marinig musikang rap ay pandaigdig hindi man tanggap at nanginginig pa rin ang iba na dinadaig nauunahan lang, ng ideya na, puro kabastusan puro kalokohan at walang katuturan kung ganyan eto na lang ang aking alay sa lahat hindi porket yan ang sikat ay puro anay na lahat madami pang nais na panatilihin ang likha ay dekalidad sa aking pagtangis nais sabihin pagkaiba ng ating edad ay di basehan o ang batayan nagkagirian na sa katayan sukatin man natin sa nilalaman sino ang may kaya na mapantayan alamin mo ang ugat na iyong tinutungtungan galangin mo at itaguyod ang lahat ng sinundan lahat naman tayo ay namuhunan, di lang ikaw, di lang ako inabot na natin to na ganito, wag nating hayaang gumuho pa to, at maging abo
|
|